Friday, October 14, 2011

An experience that leads me to Saint Pio Chapel in Libis

It was 2 years ago, isang masayang pamilya, simple, kumakain naman kami 3x a day, nabibili some of our needs, personal, pang pamilya and some nice to have things (paminsan-minsan, pampatanggal ng stress, pakunswelo sa sarili) pero ganon lang, pagdating ng 15th and 30th of the month or most commonly known as swelduhan time budgeted na lahat, pambayad ng bills and other miscellaneous expenses ang matitira para sa mga gastusin sa araw-araw. Masaya kami kahit ganito lang ang takbo ng buhay, hindi naman kami naghahangad ng higit dahil ok naman ang takbo ng pagsasama naming mag-asawa, kumpleto ang pamilya, may isa kaming anak na lalaki na napalaki namin ng maayos at masunurin. Sabi ng iba, bakit daw iisa pa lang, sa amin naman ok lang kasi hindi pa namin kaya, mahirap ang malaking pamilya kung hindi mo naman kayang itaguyod.

Simula pagkabata hindi ako nabuhay ng marangya, hindi ako nagkaron ng pagkakataon na magkaroon ng buhay na nasusunod lahat ng gustuhin, laging kuntento lang kung ano ang meron at marunong magtiis kung wala talaga. Nagpapasalamat din ako dahil ang pamilya ko ay nabuhay ng simple at hindi mapaghanap, ang importante masaya kami at nagkakasundo.

Marami ng pagsubok ang dumaan sa amin lalung-lalo na sa akin at sa lahat ng mga pagsubok na ‘yon sinubukan kong lampasan kahit mahirap at kahit matagal. Ang importante lang naman sa buhay ‘wag kang mawawalan ng pag-asa at palaging positibo ang pananaw, kahit ano pa ang dumating kakayanin at pipiliting malampasan.

Maraming dahilan ang Panginoon kung bakit tayo binibigyan ng mga pagsubok na sa umpisa akala natin ay hindi natin malamlampasan, mahirap, masakit, paano na, bakit ganon, mga katanungang normal lang sa isang taong katulad natin. Ang mahalaga manatili tayong nananalig sa Kanya at huwag mawalan ng pag-asa at ugaliing magdasal at maging mapagpakumbaba.

Sa aking personal na karanasan, isang matinding pagsubok ang dumating, at ito rin ang naghatid sa akin upang mapalapit sa Panginoon. Nasumpungan ko ang aking sarili sa isang lugar na sagrado, isang sanctuary na palagi kong binabalik-balikan, ang pagsubok na dumating sa buhay ko ang naging dahilan para mabago kahit konti ang takbo ng aming pamumuhay. Binago nito lahat ng dating nakasanayan namin. Masaya ako dahil sa kabila ng lahat ng pagbabago, nanatiling simple ang aking pamilya at lalo pang napalapit sa Panginoon.

Mahal ng Panginoon ang aking pamilya dahil kahit patuloy ang pagsubok na dumating ay binago nito ng lubusan ang takbo ng aming buhay, tanging hiling ko lang sana na malampasan at tugunin ang aking kahilingan at sa kabila noon ay lubos na pasasalamat sa lahat ng mga biyayang ipanagkaloob sa akin at sa aming pamilya. Panginoon sana po ay malampasan ko lahat ng ito sa tulong ng panalangin ni Padre Pio, Amen.

3 comments:

  1. maganda ang kwento ng buhay mo,sana lahat ng tao ay hinde mapag husga.ako natuto din ako magdasal dahil sa hirap at sakit na narasan ko sa buhay.alam ko sa kabila ng kahirapan tanging diyos lang ang pwideng lapitan,at makipag usap,thank you lord sa lahat.

    ReplyDelete
  2. Beautiful! I have shared your story at the Padre Pio Library on Facebook. Please feel free to add yourself and loved ones.

    ReplyDelete