Panalangin sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
1. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan, maghanap kayo at kayo ay makakatagpo, kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan." Narito akong kumakatok, naghahanap at humihingi ng biyayang......... .
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
Mahal na Puso ni Hesus, sa Iyo ako lubos na umaasa.
Mahal na Puso ni Hesus, sa Iyo ako lubos na umaasa.
2. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob Niya sa inyo. Sa ngalan Mo, narito akong humihiling sa Ama ng biyayang......... .
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
Mahal na Puso ni Hesus, sa Iyo ako lubos na umaasa.
3. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay kong sinasabi sa inyo, lilipas ang langit at lupa ngunit hindi ang salita Ko." Pinasigla ng Iyong di mababaling salita, hinihiling ko ngayon sa Iyo ang biyayang......... .
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
Mahal na Puso ni Hesus, sa Iyo ako lubos na umaasa.
Mahal na Puso ni Jesus, ikaw na di maaaring hindi magdalang-habag sa mga nalulumbay, kaawaan Mo kaming mga abang makasalanan at ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang isinasamo namin sa Iyo, sa pamamagitan ng namimighati at malinis na Puso ni Maria, ang magiliw Mong Ina at amin ding Ina.
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, Ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan Ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntunghininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilongon Mo sa amin ang mga mata Mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita Mo sa amin ang Iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen, kami'y ipanalangin Mo na mapatuloy sa amin ang mga pangako ni Hesukristo. Amen
Panalangin sa Tulong Ni Santo Pio
O Diyos, ibinigay Mo po sa Iyong Santo Pio ng Pietrelcina, isang Capuchinong pari, ang malaking karangalang makibahagi nang katangi-tangi sa pagpapakasakit ng Iyong Anak. Ipagkaloob Mo po sa akin, sa pamamagitan ng panalangin ni Santo Pio ang biyayang tunay ko pong hinihiling (PAUSE) ganoon pa man, ang tangi ko Pong hiling ay ang mamuhay nang naaayon sa kamatayan ni Hesus at ang marating na maluwalhati ang kanya ring Muling Pagkabuhay. Amen
Luwalhati... 3x
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo,
mapasaamin ang kaharian mo;
sundin ang loob mo
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot
sa tukso at iadya mo kami
sa lahat ng masasama. Amen.
sambahin ang ngalan mo,
mapasaamin ang kaharian mo;
sundin ang loob mo
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot
sa tukso at iadya mo kami
sa lahat ng masasama. Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria
napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo;
bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat.
at pinagpala naman
ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon
at kung kami'y mamamatay. Amen.
napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo;
bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat.
at pinagpala naman
ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon
at kung kami'y mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama,
at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Thank you for these prayers.
ReplyDelete